Hurom-Hurom Cold Spring Resort

Hurom-Hurom Cold Spring Resort
Nabas, Aklan Philippines

Matatagpuan sa Laserna, Nabas Aklan, ang “Hurom Hurom Cold Spring Resort” ang isa sa pinakamagandang resort na pwedeng puntahan. Fresh, malamig at malinis ang tubig na nagmumula pa sa taas ng bundok. Tamang-tamang ang pagswimming dito sa panahon ng taginit dahil sa malamig na tubig nito. Ang paligid ay napagigitnaan ng mga naglalakihang mga bundok tapos puro halaman at puno ang sa paligid at makikita.
Napakaganda ng lugar, sariwa ang hangin, tahimik at malayo pa sa ingay at polusyon ng syudad. Talagang marerelax ang katawan mo pati na ang isipan. Marami ding cottages na mapagpipilian sa murang halaga at pwede ka rin magdala ng pagkain at magluto kung nanaisin mo. Meron din videoke machine area na kung saan pwede kang kumanta ng paborito mong kanta kasama ng iyong pamilya at kaibigan.
Sobrang every photos are worth taking dahil sa ganda ng paligid sa iba’t ibang angulo. Pwedeng magselfie kahit saang parte ng resort na ito. Kasama ng iyong pamilya, kaibigan at barkada, napakagandang experience ito na dapat maisama sa isa sa iyong mga travel experience.


Stock Market – Part 5: How Do Investors Earn in the Stock Market?

Part 5: How Do Investors Earn in the Stock Market?
Paano nga ba kumikita sa stock market? Magkano ba talaga ang maaaring kitain ng pera mo kapag naginvest ka dito. Bakit marami ang dito ay nagiinvest kahit alam nila na may kaakibat itong risk? Dito aalamin natin kung magkano ba talaga ang pwede mong kitain kapag naginvest ka sa stock market at kung paano kumikita dito.

Merong dawalang paraan para kumita ang pera mo sa stock market. Ito ay through “Dividends” at ang ikalawa naman ay through “Trading”.

1. Dividends

Unahin natin ang “Dividends”. Ang tinatawag na “Dividends” ay ang pamamahagi ng parte ng kita ng isang kumpanya sa kanyang mga shareholders. Ang nagpapasya nito ay ang pamunuan ng board of directors ng isang kumpanya. Kung magkano ang dapat na ipamahagi ay sila din ang nangangasiwa base sa kabuuang kita ng kumpanya.

Kadalasan ang dibidendo ay binibigay kada tatlong buwan, kada anim na buwan o kada taon depende sa kumpanya kung kailan nila mafinalize ang kanilang income statement o pagtapos ma-review ng board of directors ang financial status ng kumpanya.

Ang matatanggap mo namang dibidendo ay base naman sa kung ilan ang shares of stock na hawak mo sa kumpanyang nagbibigay ng dividend na kung saan ka naginvest. Karamihan ng kumpanya ay cash ang binibigay na dibidendo pero may mga ilan naman stocks ang ibinibigay. Kahit cash o stocks ang matanggap mo ay didiretso ito sa account mo sa broker at dadagdag ito sa iyong portfolio.

Narito ang listahan ng ilang kumpanyang nagbigay ng dibidendo noon nakaraan 2018 at kung magkano ang halaga ng dividendo na pinagkaloob nila sa mga naginvest sa company nila.

2018 Cash Dividends

No.

Stock Code

Stock Name

Cash Dividends
(In Peso)

1 FBP2 San Miguel Food and Beverage, Inc. Pref2 28.28
2 FEU Far Eastern University, Inc. 16
3 GLO Globe Telecom, Inc. 91
4 GTPPA GT Capital Non-Voting Perpetual Pref “A” 46.3
5 GTPPB GT Capital Non-Voting Perpetual Pref “B” 50.95
6 MER Manila Electric Company 18.69
7 PRF2A Petron Corp. – Perpetual Pref. Series 2A 63
8 PRF2B Petron Corp. – Perpetual Pref. Series 2B 68.58
9 PSE The Philippine Stock Exchange, Inc 9
10 TEL PLDT, Inc. 64

2. Trading

Ang ikalawa naman para kumita ang pera mo sa stock market ay sa pamamagitan ng “Trading”. Sa simpleng salita ang “Trading” ay yung pagbili at pagbenta ng stocks na hawak mo. Pero paano ka kikita sa ganitong paraan? Ang trading ay katulad lang din ng pagba-buy and sell ng isang produkto sa palengke o supermarket. Bibilhin mo ang produkto sa mas mababang halaga o discounted price at ibebenta mo naman ito sa nararapat at mas malaking halaga kumpara sa pagbili mo.

Sa stock market ganun din ang prinsipyo, bibili ka ng stock sa murang halaga at maghintay ka ng tamang panahon para maibenta mo s’ya sa mas mataas na halaga. Sa ganitong paraan kumikita ang karamihan ng mga nagiinvest sa stock market.

Isang magandang halimbawa nito ay makikita sa isang simpleng computation sa ibaba. Noong Jan. 5, 2009 ang presyo ng per stock ni Jollibee sa Philippine Stock Market ay nagkakahalaga lamang ng 47 pesos. Nitong nakaraang July 26, 2019 after 10 years nagkakahalaga na s’ya ngayon ng 252 pesos.

              Sample / Simple Computation

Buy                               Sell

January 5, 2009                    July 26, 2019

1000 shares/stocks             1000 shares/stocks
x  47 pesos/share                x  252 pesos/share
—————————-              —————————
47,000 pesos                       252,000 pesos

Earnings of Investment

252,000 pesos (July 26, 2019)
–     47,000 pesos (January 5, 2009)
————————————————–
205,000 pesos
(Investment Earnings as of July 26, 2019)

Ibig sabihin nito na kung naginvest ka noong 2009 ng 1000 stocks at nagkakahalaga ang investment mo ng 47,000 pesos at pagkaraan ng 10 years ay ibinenta mo s’ya sa kanyang presyo ngayong 2019 sa halagang 252 pesos, ang investment mo ngayon ay aabot na ng 252,000 pesos at kumita ka ng 205,000 pesos sa loob ng 10 taon. Ang maganda dito wala kang ginagawa at hinayaan mo lang ang investment mo na lumago pagdating ng tamang panahon.

Ganyan kumikita ang mga nagiinvest sa stock market. Kaya nga ang investment na ito ay sinasabing long term investment dahil sa matagal na panahon kahit ano pa man ang mangyari sa market ay siguradong lalago at lalago ang pera mo kung gagawin mo ito na long term investment.

Kung ikukumpara mo sa parehong sitwasyon at nilagay mo lang sa bangko ang pera mo at pinatulog ng mahabang panahon ay siguradong walang masyadong naging paglago sa pera mo dahil sa liit lamang ng interest rate na kikitain ng pera mo kapag ito ay dineposito mo lang at hinayaan ng matagal na panahon sa bangko.

Ito ang kainaman ng pagiinvest sa stock market. Yan ay isang simpleng paraan pa lamang ng pagiinvest sa stock market. Ito ang sinasabi ng karamihan na “Money is working for you”. Sa lagay na yan ay wala ka pang ginagawa, eh paano na lang kung may ginawa ka pa? Ibig sabihin hindi lang nagtatapos dyan ang pwedeng kitain ng pera mo sa stock market, kaya maraming tao ang dito ay nagiinvest.

Photo: CTTO

Stock Market – Part 4: What are Blue Chip Companies and Stocks?

Part 4: What are Blue Chip Companies and Stocks?

Ang blue chip stocks ay mga stocks na galing sa mga tinatawag na blue chip companies. Sino-sino nga ba ang mga tinatawag na blue chip companies? Ang mga sinasabing blue chip companies sa mundo ng stock market ay yung mga kumpanyang itinuturing na matatag, kilala, may magandang record, mataas na kapital at matagal na sa larangan ng kanyang sektor.

Ang “blue chip” ay hango sa larong poker kung saan ang tinatawag na blue chip ay yung may mataas na halaga. Una itong ginamit noong 1923 para pangalanan ang mga matataas na halaga ng stocks sa stock market. Sa ngayon ang mga blue chip stocks ay hindi na lang nangangahulugan na ang isang stocks ay may malaking presyo kundi may magandang kalidad at matatag na kumpanya na kayang tumayo sa hamon ng pagnenegosyo.

Ang mga blue chip na kumpanya ay yung mga multinational companies na nagnenegosyo ng matagal ng panahon. Kadalasan ito ang hinahanap ng mga nagiinvest sa stock market kapag sila ay naguumpisa pa lang. Sila kasi ang mga matatag ng mga kumpanya at mapagkakatiwalaan na ang perang iniinvest mo ay magkakaroon ng magandang paglago.

Ang mga blue chip stocks ang mainam para sa long term investment sa stock market dahil sa ganda ng capital preservation at ang consistent dividend payments. Hindi lang para magbigay ng magandang kita para sa iyo ang mga stocks na ito kundi isa rin itong paraan para maprotektahan ang iyong portfolio laban sa inflation.

Para sa inyong guide, narito sa ibaba ang listahan ng lahat ng mga blue chip companies sa Philippine Stock Market sa ngayon. Kung naguumpisa ka pa lang sa pagiinvest sa stock market, ito ang mga kumpanya kung saan magandang maginvest. Sa kabuuan mayroong 30 kumpanya sa ngayon ang kinukunsiderang mga blue chip companies sa Philippine Stock Market. Sana makatulong ito para lalo n’yo pang pagaralan ang pagiinvest sa stock market.

Philippine Stock Market List of Blue Chip Companies

No.
Stock Code
Stock Name
Market Price
(Peso)
1
AC
Ayala Corporation
950
2
AEV
Aboitiz Equity Ventures, Inc.
57.65
3
AGI
Alliance Global Group, Inc.
15.9
4
ALI
Ayala Land, Inc.
52
5
AP
Aboitiz Power Corporation
37
6
BDO
BDO Unibank, Inc.
148
7
BPI
Bank of the Philippine Islands
93
8
DMC
DMCI Holdings, Inc.
10.56
9
FGEN
First Gen Corporation
26.35
10
GLO
Globe Telecom, Inc.
2244
11
GTCAP
GT Capital Holdings, Inc.
920
12
ICT
Int’l Container Terminal Services, Inc.
141.6
13
JFC
Jollibee Foods Corporation
279.8
14
JGS
JG Summit Holdings, Inc.
68.45
15
LTG
LT Group, Inc.
15.26
16
MBT
Metropolitan Bank and Trust Company
78
17
MEG
Megaworld Corporation
6.44
18
MER
Manila Electric Company
383
19
MPI
Metro Pacific Investments Corporation
4.79
20
PCOR
Petron Corporation
5.68
21
PGOLD
Puregold Price Club, Inc.
45.9
22
RLC
Robinson Land Corporation
27.2
23
RRHI
Robinsons Retail Holdings, Inc.
78
24
SCC
Semirara Mining and Power Corporation
24
25
SECB
Security Bank Corporation
187
26
SM
SM Investments Corporation
990
27
SMC
San Miguel Corporation
175
28
SMPH
SM Prime Holdings, Inc.
38.7
29
TEL
PLDT, Inc.
1187
30
URC
Universal Robina Corporation
166