Stock Market – Part 17: The Relative Strength Index (RSI)

Ang “Relative Strength Index” o RSI in short sa mundo ng stock market ay isang technical indicator na sumusukat sa lakas ng pagbabago sa mga recent prices ng isang stock o ibang asset para makita natin kung nagiging overbought o oversold na ba ang kanyang kundisyon sa ngayon.

Ito ay original na binuo ni J. Welles Wilder Jr. at ipinakilala noong pang 1978 sa kanyang libro na pinamagatang “New Concepts in Technical Trading Systems”. Lumabas din ito sa isang sikat na magazine na “Commodities” noong June 1978 issue. Sa ngayon nga ay isa ito sa mga pinakasikat at pinakagamiting indicators sa mga technical analysis sa pagiinvest sa stock market.

Kina-classify na isang momentum oscillator (ang oscillator ay isang line graph na gumagalaw sa pagitan ng dalawang hangganan), sinusukat ng RSI ang bilis at lakas ng direksyon ng paggalaw ng mga presyo ng isang stock sa stock market. Ang hangganan na ginagamit sa RSI ay sa pagitan ng 0 to 100 at kadalasang ginagamit ang 14-day timeframe para sa pag-compute nito.

Narito ang formula kung paano nakukuha ang value ng RSI para maging guide ninyo para na rin malaman kung paano ba ito kino-compute o nakukuha.

Relative Strength Index (RSI)

          RSI (n) = 100 – [100 / ( 1 + (AoG / AoL) ) ]

          where

          n = number of days (standard is 14 days period)

          AoG = average of gains for nth period

          AoL = average of losses for nth period

Pero paano ba natin makukuha ang AoG o Average of Gains at AoL o Average of Losses na ito para makuha natin ang RSI? Merong tatlong popular na method ang ginagamit sa stock market sa pagkuha ng RSI, ito ay ang Simple Moving Average (SMA RSI), Exponential Moving Average (EMA RSI) at ang Wilder’s Smoothing Method (WIL RSI). Tingnan nating ang table sa ibaba para makita natin ang isang sample kung paano nakukuha ang RSI gamit ang iba’t-ibang method na ito.

RSI (SMA) – Simple Moving Average Method

Gamit ang simple moving average method, kinukuha lang natin ang average ng gains sa loob ng 14 days period para maging AoG at ang average naman ng losses sa loob ng 14 days period para maging AoL. Yung iba tinatawag itong average up at average down pero pareho din ang ibig sabihin. Narito ang computation kung paano nakuha ang simple moving average RSI.

RSI (14-days) =  100 – [100 / ( 1 + (AoG / AoL) ) ]

                        =  100 – [100 / ( 1 + (2.75 / 7.14) ) ]

                        =  100 – [100 / ( 1  + 0.3851540616)]

                        =  100 – [100 / 1.3851540616]

                        =  100 – 72.20

                        =  27.80

RSI (EMA) – Exponential Moving Average Method

Sa exponential moving average RSI naman ay tulad din sa pagko-compute sa EMA ang sistema nito. Ang formula para sa RSI nito ay di rin nalalayo sa SMA ang kaibahan lang ay gumagamit ito ng smoothing at exponential moving average ang gamit at hindi ang simpleng moving average lang. Narito ang formula para sa pagkuha ng smoothing pati na ang formula para sa Average of Gains at Average of Losses gamit ang exponential moving average.

              RSI (14-days) =  100 – [100 / ( 1 + (AoG(t) / AoL(t)) ) ]

             Smoothing (s) = 2 / ( n + 1 )

             AoG(t) = s x G(t) + ( 1 – s ) x AoG(y)

             AoL(t) = s x L(t) + ( 1 – s ) x AoL(y)

where:

               s  = smoothing

               n = number of days (standard is 14 days period)

              AoG(t) = average of gains today      

              AoL(t) = average of losses today

              G(t) = gain today

              L(t) = loss today

              AoG(y) = average of gains yesterday/previous trading day

              AoL(y) = average of losse yesterday/previous trading day

RSI (WIL) – Wilder’s Smoothing Method

Hango sa pangalan ng bumuo ng RSI na si J. Welles Wilder Jr., ang Wilder’s Smoothing Method ay parehong formula din and ginagamit kung paano nakukuha ang EMA RSI. Ang tanging kaibahan lang ay ang smoothing formula na ginagamit. Narito naman ang smoothing formula para sa WIL RSI.

Smoothing (s) = 1 / n

Overbought / Overvalued

Ipinalalagay na kapag ang values ng RSI ay 70 or above, nangangahulugan ito na ang stock o anumang security ay nagiging overbought o overvalued at maaring magbigay senyales sa pagbabago ng trend o pagbaba ng presyo nito. Sa simpleng salita, ang overbought ay isang implikasyon na sa dami ng bumibili ng stock na iyon ay naitulak o naiangat na ang presyo nito sa napakataas n’yang limit dahilan upang magkaroon ng price pullback.

Photo: CTTO

Oversold / Undervalued

Sa kabilang banda, kapag ang values ng RSI ay 30 or below, nangangahulugan ito na ang stock o anumang security ay nagiging oversold o undervalued at maaring magbigay senyales sa pagbabago ng trend o pagtaas ng presyo nito. Sa simpleng salita, ang oversold ay isang implikasyon na sa dami ng nagbebenta ng stock na iyon ay naitulak o naibaba na ang presyo nito sa napakababang limit dahilan upang magkaroon ng price bounce.

Narito ang sample ng RSI kapag nai-plot s’ya sa isang chart.

Isa sa mga importanteng indicators pagdating sa pag-iinvest sa stock market ang RSI, kaya naman isa ito sa pinakasikat at pinakagamitin ng mga nagiinvest pati na ng mga market analyst para sa technical analysis. Malaking tulong na malaman natin ito at malaman ang gamit nito para na rin mapalago ang ating mga investments sa stock market.

Nawa’y may natutunan kayo sa aking munting paliwag patungkol sa Relative Strength Index. Gamitin ninyo itong guide para mas lalo pang pagaralan ang tungkol sa pagiinvest sa stock market. Ang tungkol sa RSI ay makikita din sa internet o mapapanood din sa youtube at mababasa din sa maraming libro.

Ginagawa ko lang ito para sa mga hindi pa nakakaalam at dun sa mga napapadaan sa aking blogsite na gustong malaman ang ganitong mga uri ng kaalaman. Pinapaliwanag ko din ito sa simpleng salita na madaling maintindihan kahit na ng simpleng tao para mas lalong maintindihan at sinusulat ko sa sarili nating wika para naman sa mga kapwa ko Pinoy na gustong matutunan ang pagiinvest sa stock market.

Sana’y makatulong ang blogsite kong ito sa mga kapwa ko at kababayan na gustong pasukin ang pagiinvest sa stock market. Umasa kayo na isi-share ko sa abot ng aking makakaya ang lahat ng aking nalalaman, karanasan at natutunan sa pagiinvest sa stock market. Muli maraming salamat sa pagdaan dito sa aking blogsite.

Stock Market – Part 13: Useful Formulas Used in Investing in the Stock Market

Sa mga nagiinvest sa stock market, narito ang ilan sa mga importanteng mga formulas na pwedeng makatulong sa inyo sa pagiinvest n’yo sa market na ito. Maganda itong gawin guide habang nagiinvest kayo lalo na dun sa mga nagsisimula pa lang para alam ninyo kung paano nakukuha ang mga data na nakikita n’yo sa stock market.

Gamitin ninyo itong guide dahil ito rin ang mga formulas na ginagamit ng karamihan sa mga nagiinvest sa stock market. Ang mga formulas ding ito ang nagsisilbing mga indicators para sa technical analysis upang malaman ang overall trend ng market sa iba’t ibang period o time frame. Pero syempre wag lang basta ito ang pagbasehan ninyo ng inyong magiging trading system. Marami pang factors na dapat i-consider para mas lalong maging akma at tama sa inyong pagiinvest sa stock market.

Meron kasi tayong kanya-kanyang style ng trading plan o investment system pero mas mabuti ng alam mo ang mga formulas na ito para magkaroon ka ng comparison sa mga systema na ginagamit mo sa ngayon. Sa mga bago pa lang nagiinvest sa stock market, malaking tulong ito dahil sa mga formulas na ito ay makakagawa ka ng sarili mong systema at magkakaroon ka ng guide kung paano mo gagawin ang mga susunod mong trading plan o investment style.

Mas maganda kasi na alam mo rin kung saan nakuha, paano nakuha at anong mga data ang mga ginamit para makuha ang sagot sa pag-pagcompute ng mga formulas na ito. Lalo na at pera mo ang iniinvest mo dito kaya dapat talagang bigyan ng atensyon at seryosohin dahil ayaw naman natin na maubos lang ang perang pinaghirapan din naman natin. Kaya nga tayo nagiinvest sa stock market eh para mapalago pa ang ating mga investment at hindi magsunog ng pera.

Narito ang ilan sa mga formulas na pwede ninyong maging gabay habang kayo ay nagiinvest sa stock market:

Pivot Point (PP)

               Pivot Point (PP) = (High + Low + Close) / 3

Resistance (R)

               First Level Resistance (R1) = (2 x PP) – Low

               Second Level Resistance (R2) = PP + (High – Low)

               Third Level Resistance (R3) = High + 2(PP – Low)

Support (S)

               First Level Support (S1) = (2 x PP) – High

               Second Level Support (S2) = PP – (High – Low)

               Third Level Support (S3) = Low – 2(High – PP)

               where:

               High = highest price of the previous trading day

               Low = lowest price of the previous trading day

               Close = closing price of the previous trading day

Relative Strength Index (RSI) 

               RSI(n) = 100 – [100 / ( 1 + (AoG / AoL) ) ]

               where:

               n = number of days (standard is 14 days period)

              AoG = average of gains for nth period

              AoL = average of loss of nth period

Moving Average (MA)

          Simple Moving Average (SMA or MA)

                    MA or SMA (n) = A1, A2, +…+ An / n

                    where:

                    n = number of days (normally 5, 10, 20, 50, 100, 200 days)

                    A = average in period (n)

          Exponential Moving Average (EMA)

                    EMAt (d) = [Vt x (s / 1+d)] + EMAy x [1-(s / 1+d)]

                    smoothing (s) = [2/(d+1)]

                    where:

                    EMAt = EMA today

                    EMAy = EMA yesterday

                    Vt = Value today

                    s = smoothing

                    d = number of days (normally 5, 10, 20, 50, 100, 200 days)

Eto naman yung mga formulas at computation na ginagamit sa Philippine Stock Market ng mga broker natin sa bawat trading transactions na ginagawa natin.  Mahalaga rin ito para alam natin kung tama ba talaga ang mga ibinabawas sa atin at kung magkano ba talaga ang dapat na kinita natin.

CodeDefinitionFormulas
CFCommission Fee= 0.25% x Gross Trade Amount or Minimum 20 Pesos per Transaction
VATValue Added Tax (VAT)= 12% x Commission
STSales Tax= No. of Shares x Price x 0.006 (Additional for Selling)
PFPSE Transaction Fee= 0.005% x Gross Trade Amount
SFSCCP Fee= 0.01% x Gross Trade Amount
G/LGain / Loss Amount= Total Buy Amount – Market Value + Total Charges
%G/LPercent (%) Gain / Loss= (Gain / Loss Amount) / Average Price

Gamitin ninyo at pagaralan ang mga formulang ito at kung magagawa ninyong mas maging akma ang mga formulang ito sa inyong trading plan o investment style ay mas maganda. Marami pang formulas ang ginagamit para sa mga mas advance na technical analysis na hindi ko na sinama pero ito ang ilan sa mga importante at karaniwang ginagamit ng mga nagiinvest sa stock market.

Sana’y makatulong sa munting paraan ang mga formulang ito para sa inyong pagiinvest sa stock market. Pwede n’yo rin itong ilagay sa inyong trading journal o kaya naman ay i-copy paste o gawan ng sariling formula o computation sa excel sheet tulad ng ginagawa ko. Sa ganung paraan ay magiging automatic na ang pagko-compute nito sa inyong mga data.