Stock Market – Part 21: Moving Average Convergence Divergence (MACD)

Ano ba itong tinatawag na Moving Average Convergence Divergence o MACD? Bakit nga ba ito tinawag sa ganitong pangalan? Bakit kailangan natin itong malaman at alamin kung para saan ba ito? Makakatulong ba ito sa ating pagiinvest sa stock market? Ano ba ang gamit nito at paano natin ito mapapakinabangan habang tayo ay nagiinvest sa market na ito?

Ang Moving Average Convergence Divergence o yung tinatawag na MACD in short ay isang trading indicator na nilikha ni Gerald Appel noon pang late 1970s na nagpapakita ng relasyon sa presyo sa pagitan ng dalawang moving averages ng isang stock. Dinisensyo ito para ipakita ang mga pagbabago sa lakas, direksyon, momentum, at tagal ng isang trend sa presyo ng isang stock o iba pang securities.

Ginagamit din ito para ma-identify o makita ang bagong trend o yung landas na tatahakin ng isang stock o anumang security price base sa galaw ng kanyang mga moving averages maging ito man ay bearish o bullish trend.

Mahalaga ito dahil kapag alam mo at nakikita mo ang trending na kanyang gagalawan ay mas mapaghahandaan mo. Kung sa kabilang banda, ito naman talaga ang priority natin sa trading, ang makita at ma-identify ang trend na kanyang tatahakin o gagalawan dahil dito nagmumula ang kitaan.

Narito sa ibaba ang sample ng MACD kapag nai-plot sa isang chart. Yung unang line graph ay tinatawag na actual MACD at yung ikalawang line graph naman ang tinatawag na Signal Line. Habang ang bar graph naman na makikita na kasama ng mga line graphs na ito ang tinatawag na Histogram. Kadalasan may makikita kang 3 numero tulad ng naka-square box na ginagamit para sa settings ng MACD.

1. Yung unang numero, nire-represent n’ya ang number of periods, bars o days na ginagamit para sa faster-moving average.

2. Habang ang ikalawang numero naman ay nagre-represent sa number of periods, bars o days na ginagamit para sa slow-moving average.

3. Samantalang ang ikatlong number naman ay nagre-represent sa number of periods, bars o days para makuha ang moving average ng difference o pagitan ng faster at slower moving averages.

Kadalasan makikita mo na ang default settings para sa MACD sa maraming charting tools ay (12, 26, 9). Ito ang karaniwang default values na ginagamit ng maraming charting softwares o program, stock market analyst at mga nagiinvest sa stock market. Tulad ng nasabi sa itaas ganito kung paano s’ya dapat i-interpret.

1. Yung number 12 ang nagre-represent para sa previous 12 bars ng fast moving average.

2. Yung number 26 naman ang nagre-represent sa previous 26 bars ng slow moving average.

3. Ang number 9 naman ang nagre-represent sa previous 9 bars ng difference between sa two moving averages o yung fast at slow moving averages. Ito naman ay naka-plot sa pamamagitan ng vertical bars na kung tawagin ay Histogram na makikita sa sample picture sa itaas.

Convergence

Kung titingnan mo ang MACD chart na sample kanina sa itaas, mapapansin mo na habang lumalapit sa isa’t isa ang dalawang moving average o yung slow at fast moving average yung histogram naman ay lumiliit. Dito nakuha ang tinatawag na “Convergence“, dahil ang fast moving average ay “converging” o lumalapit sa slow moving average.

Divergence

Kung titingnan mo din ang MACD chart na sample kanina sa itaas, mapapansin mo na habang nagkakalayo ang dalawang moving average o yung slow at fast moving average yung histogram naman ay lumalaki. Dito nakuha ang tinatawag na “Divergence“, dahil ang fast moving average ay “diverging” o gumagalaw papalayo sa slow moving average.

Ito ang dahilan kung bakit s’ya natawag na Moving Average Convergence Divergence. Exponential moving average ang ginagamit na basehan para sa MACD para mas mapinong maigi at magbigay ng mas accurate na signal. Narito ang formula para sa pagkuha ng MACD at iba pang parameters para malaman ninyo kung paano nakukuha ang kanyang value at para na rin maging guide ninyo sa inyong pagiinvest sa stock market:

MACD = (12-Period EMA) − (26-Period EMA)

MACD Signal Line = 9-Period EMA of MACD 

MACD Histogram = MACD – MACD Signal Line

Ngayon tingnan natin sa sample na ito sa ibaba kung paano makakatulong sa atin ang MACD sa ating pagiinvest sa stock market.

Pansinin maigi sa chart na kapag ang 12-period EMA ay nagko-cross over sa 26-period EMA, ang MACD naman ay nagko-cross over din from Zero Line pataas. Ipinapalagay na kapag nangyayari ang ganitong sitwasyon, nabubuo ang uptrend signal o ang pagiging bullish trend nito.

Sa kabilang banda naman, kapag ang 12-period EMA ay nagko-cross below sa 26-period EMA, ang MACD naman ay nagko-cross below din from Zero Line pababa. Ipinapalagay naman na kapag nangyayari ang ganitong sitwasyon, nabubuo ang downtrend signal o ang pagiging bearish trend nito.

Isa pa sa mapapansin mo, ang MACD din ang nagti-trigger ng technical signals para bumili ng stocks kapag ang MACD ay nag-cross above sa signal line at panahon naman para magbenta kapag ito ay nag-cross below sa signal line. Kadalasan ginagamit din bilang isang signal ang bilis ng mga crossovers na ito para malaman sa market kung ang isang stock ay nagiging overbought o oversold na. Ito ang pinaka-importanteng gamit ng MACD at malaking pakinabang habang tayo ay nagiinvest sa stock market.

Makikita mo rin na habang lumalayo ang distansya ng MACD sa kanyang Signal Line ay patuloy na lumalakas ang kanyang trend maging ito man ay bullish o bearish trend. Ang MACD ang nakakatulong sa mga nagiinvest sa stock market para maintindihan at makikita kung lumalakas nga ba o humihina ang pagiging bullish o bearish movement ng isang stock.

Ito ang maraming gamit at kahalagahan kung bakit natin dapat matutunan ang gamit o aralin ang MACD o Moving Average Convergence Divergence. Ito rin ang dahilan kung bakit gamit na gamit ang MACD ng maraming nagiinvest sa stock market lalo na ang mga market analyst.

Gawin n’yo lang itong guide para sa inyong pagiinvest sa stock market at nawa’y makatulong ito kahit papaano para mas lalo n’yo pang maintindihan sa simpleng salita ang gamit at kahalagahan ng MACD.

Photo: CTTO

Stock Market – Part 15: The Moving Average

Ano nga ba itong “Moving Average” na tinatawag sa mundo ng stock market? Bakit kailangan natin itong matutunan, alamin at gamitin habang nagiinvest tayo sa market na ito. Ano ba ang gamit nito at paano ito makakatulong sa atin sa pagiinvest natin sa stock market?

Ang Moving Average ay isa sa mga importanteng indicator o tagapahiwatig na ginagamit sa pag-analyze o pagaaral sa magiging galaw ng isang stock. Maraming klase ng moving average ang ginagamit sa stock market pero dito ay magpo-focus lang muna tayo sa dalawa sa pinaka-gamitin ng maraming nag-iinvest sa market na ito. Yung ibang klase ng moving average ay tatalakayin natin sa mga susunod na post sa mas advance na technical analysis na ating gagawin sa mga darating na araw.

Mahalagang malaman natin ito dahil isa sa mga gamit ng moving average ay para malaman natin kung saang direction patungo ang magiging price ng isang stock at ang magiging galaw sa market ng binabantayan nating stocks o kung anong stocks meron tayo sa ating portfolio.

Nakakatulong din ito para malaman natin ang support and resistance levels ng isang stock. Isa rin sa malaking maitutulong nito sa atin ay ang tamang pagpasok at paglabas sa isang stock o sabihin na nating ang tamang timing ng pagbili at pagbenta ng mga stocks.

Simple Moving Average (SMA)

Una at ang pinaka-simpleng uri ng moving average ay ang tinatawag na “Simple Moving Average (SMA)”. Sa pagiging simple nito kadalasan ay tinatawag na lang itong moving average (MA). Kaya ang madalas na makikita mo sa mga technical data ay (MA) na lang. Ito yung simpleng pagko-compute ng average gamit ang closing price ng stock sa loob ng specified na mga araw. Narito ang formula para sa simple moving average para sa inyong guide:

Narito ang sample computation para maging guide kung paano ito nakukuha:

Sample Computation for SMA5 or MA5:

Closing Prices: 21, 22, 23, 24, 25, 26, 27

First day of SMA5: (21 + 22 + 23 + 24 + 25) / 5 = 23

Second day of SMA5: (22 + 23 + 24 + 25 + 26) / 5 = 24

Third day of SMA5: (23 + 24 + 25 + 26 + 27) / 5 = 25

Exponential Moving Average (EMA)

Ang Exponential Moving Average o yung tinatawag na EMA ay yung mas matimbang na moving average kung saan mas binibigyang halaga at importansya ang mas latest na paggalaw ng presyo ng isang stock. Kasabay ng MA, ang EMA ang isa din sa mga mahahalagang indicators na ginagamit para sa technical analysis sa pagiinvest sa stock market. Ang kaibahan lang mas nagiging mas accurate ang EMA kesa sa MA dahil sa mas nire-represent ng EMA ang mga recent price action o movement. Narito ang formula para sa exponential moving average para sa inyong guide:

Ang smoothing naman na makikita sa computation ng EMA sa simpleng salita ay ang nagkikinis at nagpupulido para mabawasan ang epekto ng volatility sa presyo o galaw ng isang stock at ito rin ang dahilan kung bakit ang tawag sa kanya ay smoothing. Ang idea kung bakit ginagamit ang smoothing ay para mas ma-identify ang simpleng pagbabago para mas lalong makita ang trend o pattern na susundan n’ya. Kadalasan sa paguumpisa ay ginagamit muna ang previous simple moving average para maging starting point para sa EMA value kung wala ka pang data at ang iba naman ay ang previous closing price ang ginagamit.Narito ang sample computation para maging guide kung paano ito nakukuha:

Sample Computation for EMA5:

Closing Prices: 21, 22, 23, 24, 25, 26, 27

SMA5 = 23 (use for EMA5 yesterday)

Vt = 26 (value on 06-Dec-2019)

smoothing (s) = [2/(5+1)] =  0.3333

EMA5 = 26 x [0.3333/(5+1)]+23x[1-(0.3333/(5+1))] = 23.17

DatePriceSMA5SmoothingEMA5
01-Dec-201821   
02-Dec-201822   
03-Dec-201823   
04-Dec-201824   
05-Dec-20182523.00 23.00
06-Dec-20182624.000.333323.17

Ngayong alam na natin ang Simple Moving Average at Exponential Moving Average, paano ba natin ito maia-apply o magagamit at makakatulong sa ating pagiinvest sa stock market ang mga moving average na ito? Kapag ang moving average ay nai-plot sa isang candlestick chart, ganito kadalasan ang nagiging itsura n’ya na parang sumasabay sa agos o direksyon ng mga presyo ng isang stock.

Sa chart na ito makikita natin na kapag ang presyo ng stock ay nasa uptrend condition, ang mga candlesticks o presyo nito ay nasa ibabaw ng moving average line. Kapag naman ang presyo ng stock ay nasa downtrend condition, ang mga candlesticks o presyo nito ay nasa ilalim naman ng moving average line.

Pansinin n’yo din yung price cross the EMA na from below to above at yung from above to below. Makikita mo na ang moving average ay nagsisignify din o nagpapakita kung kelan ka dapat pumasok o sa simpleng salita ay bumili ng isang stock at kung kelan ka dapat mag-exit o magbenta ng stock.

Ibig sabihin nito, kung bumili ka at ginawa mong entry point ang price cross the EMA na from below to above na isang signal of rise at nagbenta ka o ginawa mo namang exit point ang price cross the EMA na from above to below na isang signal of decline ay kumita ka na. Nauulit lang naman talaga ang ganitong senaryo kaya kailangan mo lang talagang magantay sa right timing gamit ang mga indicators. Kaya nga sa stock market ay applicable ang kasabihang:

Gaya din ng nasabi natin kanina, ang moving average ay nakakatulong din para makita mo ang support at resistance level ng isang stock. Makikita sa chart na during downtrend, ang moving average ay nagagamit as resistance at kung uptrend condition naman ay nagagamit bilang support. Ganito kahalaga ang mga moving average kaya naman halos lahat ay gumagamit nito para maging indicators sa magiging galaw at trend ng stocks sa stock market.

Ngayon subukan nating i-apply ito sa isa sa mga stocks sa Philipppine Stock Market tulad ng Jolllibee Foods Corp o JFC. Makikita na halos pareho din ang sitwasyon. Kapag downtrend ang mga presyo ay nasa ibaba ng moving average line at kapag uptrend naman ay nasa ibabaw ng moving average line. Ang ganitong senaryo ay applicable sa halos lahat ng mga stocks kaya naman gamit na gamit ang moving average para maging indicators para malaman ang magiging galaw at trending ng isang stock.

Sana’y nakatulong ang topic na ito para mas lalo n’yo pang maintindihan ang tungkol sa moving average. Gawin ninyo itong guide sa inyong pagiinvest sa stock market at kasabay ng iba pang mga indicators at siguradong malaki ang magiging improvement ng inyong mga investment sa tulong ng moving average.

Sana’y may napulot kayong mga idea sa pagdaan ninyo dito sa aking blog at nawa’y magamit ninyo ang ibang natutunan para mas lalo pang pagaralan ang pagiinvest sa stock market.

Stock Market – Part 13: Useful Formulas Used in Investing in the Stock Market

Sa mga nagiinvest sa stock market, narito ang ilan sa mga importanteng mga formulas na pwedeng makatulong sa inyo sa pagiinvest n’yo sa market na ito. Maganda itong gawin guide habang nagiinvest kayo lalo na dun sa mga nagsisimula pa lang para alam ninyo kung paano nakukuha ang mga data na nakikita n’yo sa stock market.

Gamitin ninyo itong guide dahil ito rin ang mga formulas na ginagamit ng karamihan sa mga nagiinvest sa stock market. Ang mga formulas ding ito ang nagsisilbing mga indicators para sa technical analysis upang malaman ang overall trend ng market sa iba’t ibang period o time frame. Pero syempre wag lang basta ito ang pagbasehan ninyo ng inyong magiging trading system. Marami pang factors na dapat i-consider para mas lalong maging akma at tama sa inyong pagiinvest sa stock market.

Meron kasi tayong kanya-kanyang style ng trading plan o investment system pero mas mabuti ng alam mo ang mga formulas na ito para magkaroon ka ng comparison sa mga systema na ginagamit mo sa ngayon. Sa mga bago pa lang nagiinvest sa stock market, malaking tulong ito dahil sa mga formulas na ito ay makakagawa ka ng sarili mong systema at magkakaroon ka ng guide kung paano mo gagawin ang mga susunod mong trading plan o investment style.

Mas maganda kasi na alam mo rin kung saan nakuha, paano nakuha at anong mga data ang mga ginamit para makuha ang sagot sa pag-pagcompute ng mga formulas na ito. Lalo na at pera mo ang iniinvest mo dito kaya dapat talagang bigyan ng atensyon at seryosohin dahil ayaw naman natin na maubos lang ang perang pinaghirapan din naman natin. Kaya nga tayo nagiinvest sa stock market eh para mapalago pa ang ating mga investment at hindi magsunog ng pera.

Narito ang ilan sa mga formulas na pwede ninyong maging gabay habang kayo ay nagiinvest sa stock market:

Pivot Point (PP)

               Pivot Point (PP) = (High + Low + Close) / 3

Resistance (R)

               First Level Resistance (R1) = (2 x PP) – Low

               Second Level Resistance (R2) = PP + (High – Low)

               Third Level Resistance (R3) = High + 2(PP – Low)

Support (S)

               First Level Support (S1) = (2 x PP) – High

               Second Level Support (S2) = PP – (High – Low)

               Third Level Support (S3) = Low – 2(High – PP)

               where:

               High = highest price of the previous trading day

               Low = lowest price of the previous trading day

               Close = closing price of the previous trading day

Relative Strength Index (RSI) 

               RSI(n) = 100 – [100 / ( 1 + (AoG / AoL) ) ]

               where:

               n = number of days (standard is 14 days period)

              AoG = average of gains for nth period

              AoL = average of loss of nth period

Moving Average (MA)

          Simple Moving Average (SMA or MA)

                    MA or SMA (n) = A1, A2, +…+ An / n

                    where:

                    n = number of days (normally 5, 10, 20, 50, 100, 200 days)

                    A = average in period (n)

          Exponential Moving Average (EMA)

                    EMAt (d) = [Vt x (s / 1+d)] + EMAy x [1-(s / 1+d)]

                    smoothing (s) = [2/(d+1)]

                    where:

                    EMAt = EMA today

                    EMAy = EMA yesterday

                    Vt = Value today

                    s = smoothing

                    d = number of days (normally 5, 10, 20, 50, 100, 200 days)

Eto naman yung mga formulas at computation na ginagamit sa Philippine Stock Market ng mga broker natin sa bawat trading transactions na ginagawa natin.  Mahalaga rin ito para alam natin kung tama ba talaga ang mga ibinabawas sa atin at kung magkano ba talaga ang dapat na kinita natin.

CodeDefinitionFormulas
CFCommission Fee= 0.25% x Gross Trade Amount or Minimum 20 Pesos per Transaction
VATValue Added Tax (VAT)= 12% x Commission
STSales Tax= No. of Shares x Price x 0.006 (Additional for Selling)
PFPSE Transaction Fee= 0.005% x Gross Trade Amount
SFSCCP Fee= 0.01% x Gross Trade Amount
G/LGain / Loss Amount= Total Buy Amount – Market Value + Total Charges
%G/LPercent (%) Gain / Loss= (Gain / Loss Amount) / Average Price

Gamitin ninyo at pagaralan ang mga formulang ito at kung magagawa ninyong mas maging akma ang mga formulang ito sa inyong trading plan o investment style ay mas maganda. Marami pang formulas ang ginagamit para sa mga mas advance na technical analysis na hindi ko na sinama pero ito ang ilan sa mga importante at karaniwang ginagamit ng mga nagiinvest sa stock market.

Sana’y makatulong sa munting paraan ang mga formulang ito para sa inyong pagiinvest sa stock market. Pwede n’yo rin itong ilagay sa inyong trading journal o kaya naman ay i-copy paste o gawan ng sariling formula o computation sa excel sheet tulad ng ginagawa ko. Sa ganung paraan ay magiging automatic na ang pagko-compute nito sa inyong mga data.