Villa Escudero Plantation and Resort

Ang Villa Escudero Plantation and Resort ay isang 800 hectares plantation and hacienda na matatagpuan sa south city ng San Pablo, Laguna Province at border ng Quezon Province. Sa lawak ng haciendang ito ay tatlong munisipalidad ang sumasakop sa kanya sa dalawang probinsya, ang San Pablo City sa Laguna at Tiaong at Dolores naman sa Quezon Province.

Si Don Arsenio Escudero ang nagmamay-ari nito na pamana sa kanya ng magulang na sina Don Plácido Escudero at ng asawa nitong si Doña Claudia Marasigan. Noong una isa itong sugarcane plantation at kalaunan ay ginawang coconut plantation ni Don Escudero.

Church of the Ascension

Una sa mapapasyalan dito ang lumang Church of the Ascension na ngayon nga ay ginawa na ring Museum. Sa loob nito makikita mo ang iba’t-ibang private collection ng pamilyang Escudero.

Garden at Scenery

Sa paglilibot naman madadaanan mo ang napakagandang tanawin na animo ikaw ay nasa lumang panahon. Sobrang relaxing sa katawan ang fresh air sa paligid dahil na rin sa ang lugar ay napakalinis at napalilibutan ng mga halaman at puno. Sa tanawin pa lang ay gagaan na ang loob mo at mawawala ang mga stress mo sa buhay.

Pwede ka rin maglaro at magbalik sa kabataan noong unang panahon na parang nasa kabukiran lang at sumakay sa estatwang kalabaw.

Sa paligid din mapagmamasdan mo ang isang bahay kubo at ang mga gawain ng ating ama’t ina o lolo’t lola noong mga unang panahon.

 Higantes

Sa pamamasyal din sa loob ng hacienda makakasalamuha mo ang mga “Higantes” na nakasuot ng mga Baro’t Saya na lumang kasuotan noong unang panahon na may kasama pang anghel sa lupa.

Hydroelectric Power Plant Labasin Dam

Dito rin tinayo ni Don Arsenio Escudero at ng kanyang asawang si Doña Rosario Adap ang country’s first working hydroelectric power plant at ito ang “Labasin Dam”. Dahil sa lawak ng lugar na ito kinailangan nila ang Dam na ito para suplayan ang kanilang coconut factory at plantation.

 Karo’t Kalabaw

Sa loob din ng hacienda, masasakyan mo ang totoong “Karo’t Kalabaw”. Itong yung means of transportation noong mga unang panahon. Ang karo ang sasakyan ng tao habang hila-hila ito ng kalabaw. Bihira na nating makita ang mga ganitong uri ng sasakyan at halos wala na nga ito sa panahon ngayon. Ito ang magdadala sa mga bisita ng hacienda patungo sa resort area.

Labasin Waterfalls Restaurant
Ito ang pinaka-main attraction ng Villa Escudero, ang “Labasin Waterfalls Restaurant”. Ito rin ang dahilan kung bakit dinarayo ng maraming turista ang hacienda na ito. Matutunghayan mo kasi ang waterfalls habang ikaw ay kumakain ng masasarap na pagkain. Unlimited ang pagkain dito at sa sarap ng mga pagkain dito talaga namang mabubusog ka pagtapos. Lahat ng pagkain dito ay lutong Pinoy na nakalagay sa palayok o sa dahon ng saging. Ganito ang buhay noon na hindi pa uso ang mga mamahaling lutuan at gamit sa kusina.
Ang kagandahan dito habang kumakain ka ay humahampas naman sa paa mo ang running water mula sa waterfalls na para ka lang kumakain sa gitna ng ilog o batis na napapaligiran ng mga punong kahoy. Maaliwalas ang pakiramdam habang kumakain at masaya dahil parang nagbabalik-tanaw ka sa nakaraan.

Theater and Cultural Dance
Pagtapos kumain ay pwede ka naman manood ng Cultural Dance na tampok ng pamunuan ng hacienda para sa mga turista. Tampok dito ang kultura nating mga pilipino noong unang panahon kasabay ng pagsasayaw o yung tinatawag nilang “Tinikling Dance”. Sa mga kasuotan pa lang ng mga nagtatanghal mararamdaman mo kung gaano kaganda at kayaman ang kultura nating mga pilipino.

Slides and Swimming Pool
Meron ding mga slides at swimming pool na pwedeng pagliguan maliban pa doon kanina sa waterfalls. Maganda ito para sa mga gustong mag-overnight at dun sa mga galing pa malalayong lugar.

Labasin Lake
Isa pa sa mga magagandang attraction dito sa Villa Escudero ang pagpa-Paddling sa Labasin Lake. Pwede kang sumakay sa boat na gawa sa kawayan at mag-sagwan sa kahabaan ng lake. Kailangan mo magsuot ng life vest habang nagsasagwan dahil medyo malalim ang lake na ito for safety purposes. Meron namang mga life saving team sa paligid para masiguro ang kaligtasan ng bawat turista na susubok ng ganitong adventure. Nakakatuwang pagmasdan na para kang nasa kanayunan at payapa ang buhay na puno ng saya at katiwasayan kasama pa dyan ang napakagandang kapaligiran.

Pier at Bahay Kubo
Sa pier na ito nagaantay ang mga gustong sumubok para makapag-paddling sa kawayang bangka. Halos lahat ng bumibisita sa hacienda ay hindi pinapalagpas na masubukan ang adventure na ito. Malawak ang lake kaya halos matatagalan ka bago makabalik sa pier pero worth naman ang ride dahil sa ganda ng tanawin at maaliwalas ang paligid.

Kung gusto mo namang mag-overnight stay sa Villa Escudero ay maraming bahay kubo na pwede kang mag-stay at dito mo mae-experience ang manirahan sa isang bahay kubo. Ang kagandahan dito ay pwede ka rin magluto gamit ang mga makalumang paraan ng pagluluto noong unang panahon. Kung ayaw mo naman ay pwede ka na lang magpaluto at ihahatid na lang sa iyo sa loob ng iyong bahay kubo.

Napakasarap ng feeling kapag pumasyal ka sa lugar na ito. Para kang nagbabalik-tanaw o namumuhay noong mga panahon na kay linis ng hangin at maaliwalas ang paligid. Lahat ng makikita mo sa kapaligiran ay puro halaman at puno at ang malawak na magandang tanawin. Sobrang napakasimple ng buhay at nakakawala ng stress sa buhay at ang maganda pa dito ay walang polusyon na nanggagaling sa mga usok ng sasakyan. Maluwag ang paligid at walang masyadong tao at napakatahimik. Tanging huni ng ibon at pagaspas ng mga puno at dahon ang maririnig mo sa paligid. Totoong kay sarap balikan ang nakaraan kahit sa isang saglit lang sa pagpasyal sa Villa Escudero, kaya ‘wag mo ng palampasin na isama ito sa mga listahan ng gusto mong puntahan kapag ikaw ay nagbakasyon.