Hongkong

Isa pa sa mga napuntahan ko ng lugar ay ang Hongkong. Ang kagandahan dito ay hindi mo na kailangan ng visa para makapasok at makapasyal. Passport lang at tiket ayos na. Yung lang medyo saglit lang kami dito dahil biglaan kaya iilan lang sa mga magagandang lugar dito ang napuntahan ko.

Hongkong Airport (Chek Lap Kok Airport)

Sa laki pa lang ng airport nila masasabi kong isa ito sa mga pinakamalalaking airport sa buong mundo. Hindi magkamayaw ang mga tao dito sa dami ng mga flights araw-araw patungo sa iba’t ibang panig ng mundo. Isa rin ito sa world’s eight busiest airport in terms of total passenger traffic annually. The airport was our first pit stop on my journey to the “Harbour of the Fragrant Aroma”.

On the way to Downtown madadaan mo ang naggagandahang infrastructure sa Hongkong na aakalain mong nasa US ka dahil sa ganda din ng bridge na aming dinaanan.

Downtown Hongkong

Ito ang isa sa mga busiest na lugar dito sa Hongkong. Ang mga tao dito parang laging nagmamadali at may pupuntahan. Nakasakay kami sa doble decker bus kaya kita ko lahat ng nakapaligid sa harap at hindi traffic ng araw na bumabyahe kami. Karaniwan daw traffic sa lugar na ito dahil sa dami ng tao at ang kahabaan nito ay puro commercial establishments.

Harbour City / Ocean Terminal

Ang pinakamalaking daungan ng malalaking cruise ship papunta at paalis ng Hongkong ang tinawag nilang “Ocean Terminal”. Ang ocean terminal ay matatagpuan sa Harbour City. Dahil nga sa daungan ito ng mga naglalakihang cruise ships, ito ang nagiging centro ng turismo sa parteng ito ng Hongkong. Sa Harbour City din kasi matatagpuan ang malalaking mall sa Hongkong kaya isa ito sa mga pinakasikat na puntahan ng mga turista.


Madame Tussauds (Wax Museum)

Isa pa sa magandang puntahan sa Hongkong ay ang Madame Tussauds (Wax Museum). Ito ay isang part ng mga renowned chain of wax museums na tinatag ni Marie Tussaud ng France. Matatagpuan ito sa Peak Tower ng Hongkong Island. Matutuwa ka sa pagpunta dito dahil makikita mo ang mga life size ng mga sikat na artista sa buong mundo na gawa sa wax.

Isa na rito ang sikat na si Mr. 007: Jame Bond. Kuhang-kuha ang itsura at pustura na aakalaing mong parang s’ya ay totoong tao.

Mr. 007 “James Bond”

Syempre mawawala ba dyan ang isa sa mga sikat na artista na sa Hongkong nagmula. Walang iba kundi si Mr. Nice Guy: Jackie Chan. Ang height pati ang kanyang mga ngiti ay gayang-gaya sa pagkakahubog ng wax image ni Jackie Chan.

Mr. Nice Guy “Jackie Chan

Victoria Peak

Ang Victoria Peak ay matatagpuan sa bulubunduking parte sa Western half ng Hongkong Island. Kilala ito sa English name na “Mount Austin” o sa local name nitong “The Peak”. Ito ang isa sa pinakamataas na lugar sa Hongkong. Matatanaw mo mula dito ang kabuuan ng Central, Victoria Harbour, Lamma Island at marami pang lugar sa baba nito.


Isang maganda sa pagpunta sa The Peak ay ang pagsakay ng Peak Tram. Animoy para kang nasa roller coaster sa sobrang tarik ng pagbyahe habang umaakyat ang tram papunta sa pinakatuktok ng bundok. Pagdating mo sa taas, ang ulap ay nahahawakan mo na sa sobrang taas ng elevation. Sa taas parang nanliit ang mga high rise buildings sa ibaba ng Victoria Peak at paligid ng Hongkong.

Isa sa magandang journey ko ang Hongkong travel. Maeenjoy mo ang bawat oras, sayang nga lang at para sa akin ay kulang pa ang stay namin doon. Marami pa kasing magagandang lugar sa Hongkong ang hindi ko napuntahan dahil sa kakulangan ng oras at araw. Next time I will make sure that I have all the time in the world to visit other beautiful places in Hongkong.

Until next time and I hope you enjoy seeing my travel in Hongkong. Make this place as one of the places to visit in your bucket list. Always stay happy ‘coz life is beautiful.